Napakahalaga na lubos na makilala ng isang tao, lalo na ng isang tinedyer, ang kaniyang sarili. Makatutulong sa larangang ito ang pagtatasa sa sarili (self-assessment) na tumutukoy sa “proseso ng pagtingin sa sarili upang masuri ang mga aspeto na mahalaga sa pagkakakilanlan (identity). Ito ay isa sa mga motibo na tumatatangay sa atin sa pagsusuri ng sarili, kasama ang pagpapatunay at pagpapahusay sa sarili.
Ang mga kasangkapan sa pagtatasa ng sarili ay ginagamit upang makakuha ng pinabuting pag-unawa sa sarili kaugnay ng paghubog ng kurso o pagpili ng karera na nais kunin ng isang tao. May mga libreng kasangkapan sa pagtatasa sa sarili sa internet gaya ng nasa link.
Makabubuting kunin ang mga pagsusulit na ito upang mapaunlad ang pagkakilala sa sarili at malaman kung anong bokasyon o propesyon ang angkop sa iyo sa hinaharap.
I-click o gamitin ang URL na ito para makarating sa libreng Online Personality Tests: https://ourhappyschool.com/social-sciences/online-personality-tests-ourhappyschool-com
BILIN SA ESTUDYANTE:
a. Mag-take ng isa sa mga Online Personality Test sa www.OurHappySchool.com (nasa itaas ang link).
b. Sundin ang mga iniaatas na “INSTRUCTIONS TO STUDENTS.”
c. Isumite ang iyong naka-print na output sa iyong guro. (Ang klase ay maaaring magkaroon ng diskusyon batay sa mga naisumiteng output ng mga mag-aaral.)