AlaminNatin.com

Genogram: Ilang Halimbawa

Mon Sep 02 2019 - admin

Ang Genogram

Ang genogram ay isang larawan o ilustrasyon ng mga pampamilyang relasyon ng isang tao at kasaysayang mediko ("Genogram," n.d.). Ito ay isang elaborasyon ng ‘family tree’ kung saan ipinapakita rin ang mga ‘hereditary patterns’ at mga relasyon sa mga miyembro ng pamilya.

Kilala rin bilang McGoldrick-Gerson study, Lapidus Schematic, o Family Diagram, ang genogram ay mapapakinabangan sa pag-unawa sa mga predisposisyon ng isang indibidwal at ang mga impluwensya ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa kanyang pisikal na anyo, personalidad, at mga pag-uugali. Ang lalong pagkakilala sa sarili sa pamamagitan ng genogram ay maaaring makatulong sa isang indibidwal upang mapagtanto niya ang kinakailangang mga pagsasaayos na dapat niyang gawin upang mas mapabuti pa ang kanyang pagkatao.

Sa paggawa ng isang genogram, dapat magsanay ng kahinahunan at katapatan sa katotohanan upang ang genogram ay maging mas tumpak. Tandaan na walang tama o maling genogram. Ang isang tao ay dapat na maging matapang upang tanggapin ang impormasyon na lalabas sa pagsasaliksik para sa isang genogram.

I-click o gamitin ang URL na ito para sa paggawa ng Genogram:

https://www.youtube.com/watch?v=MuXvG9tbUMs

BILIN SA ESTUDYANTE:

a. Sa comment section sa ibaba, isulat kung anong mga positibong bagay ang isasama mo kung ikaw ay gagawa ng iyong genogram.

b. Ishare ang webpage na ito sa iyong Social Media accounts (Facebook, Twitter, Instagram, etc.) gamit ang hashtag na: #ProudAkoSaLahiKo #[PangalanMo]

c. Mag-imbita ng tatlong kamag-anak (mga malalapit na pinsan o tiyuhin/tiyahin) na magko-comment ukol sa mga dagdag impormasyon ukol sa inyong angkan.

d. I-print ang inyong naka-post na usapan. Ipasa sa iyong guro.